Mga Senador dismayado sa paglaya ng mga sangkot sa pagpatay kay Mayor Espinosa

Dismayado ang mga Senador sa paglaya ni P/Supt. Marvin Marcos at iba pang pulis Leyte na akusado sa pagpatay sa loob ng kulungan kay Albuera Leyte Mayor Ronald Espinosa.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, malinaw sa ginawang imbestigasyon at naging findings  ng Senate Committee on Public Order and Dangeroues Drugs na premeditated o planado ang pagpatay kay Espinosa.

Katunayan inirekomenda ng Senado ang pagsasampa ng kasong murder at non-bailable ang kaso.

Iginiit ni Drilon na siya pa mismo ang nagtanong noon sa pagdinig ng Senado kung kailan inamin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na planado ang pagpatay.

Kaya nakapagtataka aniyang ibinaba sa homicide ang kaso sa halip na murder.

Nais naman ni Senador Francis Pangilinan na i-apela ang kaso.

Katwiran ng Senador kahit ang National Bureau of Investigation, murder ang rekomendasyon batay sa kanilang imbestigasyon at kwestyonable na binago ito ng DOJ.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *