Konstruksiyon ng Cavite-Laguna Expressway, nagsimula na

Sinimulan na ang konstruksyon ng CALAX o Cavite-Laguna Expressway na isa sa proyekto ng build build build team ng Duterte administration.

Naglalayon ito na mabawasan ang traffic congestion partikular sa Governor’s Drive, Aguinaldo Highway at Sta. Rosa-Tagaytay Road na hanggang sa kasalukuyang panahon ay problema pa rin ang napakabigat na daloy ng trapiko.

Sa ginawang groundbreaking ceremony na pinangunahan  nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, at iba pang miyembro ng build build build team ng Duterte administration.

Aabot naman sa ₱35 billion ang total cost ng nasabing proyektong ito.

Ang proyekto ring ito ay sa ilalim ng traffic decongestion program ng DPWH.

Ito ay may haba na simulaCAVITEX sa Kawit Cavite at magtatapos sa SLEX-Mamplasan interchange sa Biñan, Laguna.

Ang Calax ay may sukat na 4 lane – 44.20 kilometers expressway na magbibigay rin ng alternatibong daan sa mga economic zones sa Cavite at Laguna.

Mayroon din itong walong interchanges ito ay ang Kawit, Open Canal, Governor’s Drive, Aguinaldo Highway, Silang East, Sta. Rosa Tagaytay Road, Laguna Blvd. at Technopark.

Kapag nabuksan ang nasabing proyekto magiging 45 minutes na lang ang travel time ng mga motorista mula Cavitex papuntang SLEX.

Target ng build build build team na matapos sa taong 2020 ang Calax na tiyak na makakapagbigay ginhawa sa mga motorista.

Ulat ni: Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *