Mighty Corporation kinasuhan na ng BIR saDOJ

Pormal nang kinasuhan ng BIR sa DOJ ng tax evasion ang local tobacco firm na Mighty Corporation dahil sa 9.56 billion pesos na hindi nabayarang buwis.

Partikular na sinampahan ng tax evasion complaint ang Presidente ng Mighty Corporation na si retired AFP Lt. Gen. Edilberto Adan, Executive Vice President nito na si Judge Oscar P. Barrientos,  Vice President for External Affairs and Assistant Corporate Secretary Alexander Wongchuking at treasurer na si Ernesto A. Victa.

Ang kaso laban sa Mighty Corporation ay isinampa dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps sa kanilang mga pakete ng sigarilyo na paglabag sa Sections 263 at 265(c) ng National Internal Revenue Code of 1997.

Nadiskubre ng mga otoridad ang paggamit ng Mighty ng fake tax stamps matapos ang isinagawang on-the-spot surveillance sa mga warehouse nito sa San Isidro, Pampanga.

Ayon sa BIR, ang paggamit ng mga pekeng Internal Revenue stamps ng kumpanya ay iligal at paglabag sa tax code.

Ang tax evasion complaint ay tinanggap ni Senior Assistant State Prosecutor Susan Dacanay na siyang chair ng run after tax evaders task force ng DOJ.

Dadaan sa preliminary investigation ang reklamo para mabatid kung may batayan para isampa sa korte ang kaso laban sa tobacco company.

Ulat ni : Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *