Militar umaming hindi na kailangan ang Martial Law para tugisin ang mga terorista

May mga dayuhan umanong kaalyado ang Maute group na kasamang umatake sa Marawi City.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, inamin ito ng mga otoridad sa isinagawang briefing sa Senado kaugnay ng idineklarang Martial Law sa Mindanao.

Batay aniya sa paliwanag ng security forces, napilitang magdeklara ng Martial Law ang administrasyon dahil sa mga umanoy symphatizer ng teroristang grupo kabilang na ang ilang lokal na opisyal ng gobyerno na maaring maghasik rin ng karahasan sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Pero ayon sa oposisyon sa Senado, inamin mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kayang pulbusin ng militar ang mga miyembro ng Maute group kahit pa hindi magdeklara ng Martial Law.

Iginigiit ng oposisyon na magpatawag ng joint session para maipaliwanag ng mga security officials ang totong detalye at hindi magkaroon ng agam-agam ang publiko.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *