Minority bloc planong dumulog sa Korte Suprema para kwestyunin ang legalidad ng Martial Law

Bukas ang oposisyon na dumulog sa Korte Suprema kung walang magiging aksyon ang liderato ng Kongreso sa kanilang petisyon na magsagawa ng joint session para talakayin ang batayan ng pagdedeklara ng Martial law.

Ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon, mas mabuting ang Korte Suprema ang mag interpret ng batas.

Pero sa ilalim aniya ng Article 7, Section 18 ng saligang batas, kung may maghahain ng petisyon, maaring rebyuhin ng Korte Suprema  ang idineklarang <artial law o suspension of the writ of privilege sa loob ng tatlumpung araw.

Iginiit naman ng oposisyon na walang batayan ang Martial law dahil mismong militar ang umaming kayang pulbusin ang mga terorista kahit pa walang batas militar.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes, ikinukonsidera rin nila ang pagsasampa ng kaso sa Ombudsman.

Paliwanag ng mga Senador, maaring makasuhan ng dereliction of duty sina Senate President Aquilino Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa hindi pag aksyon para sa pagpapatawag ng joint session.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *