Panukalang batas para sa libreng pag-aaral sa kolehiyo lagda na lang ni Pangulong Duterte ang kulang

Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para maging ganap na batas ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act na magtatakda nang libreng tuition fees sa mga SUC’s o State Colleges and Universities sa bansa.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, pangunahing may akda ng panukala, nakapasa na sa bicameral conference committee ang panukalang batas na magkakaloob ng access sa de kalidad na antas ng tertiary education sa mga Pinoy.

Sa tantiya ni Aquino, 90 hanggang 95 percent ng mga estudyante sa kolehiyo  ang mabibiyayaan ng libreng edukasyon sa pamamagitan ng scholaship grants.

Bukod dito, base sa panukala, mayroon din mga loans o pautang sa mga estudyante naman ng pribadong mga kolehiyo.

Inaasahan na maipatutupad ang programa sa second semester na o sa Nobyembre ng taong ito.

Pagtiyak ng Senador kung malalagdaan ng Pangulo wala nang babayaran ang mga estudyante na papasok sa SUC’s.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *