Red Cross bumuo ng proseso ng pagdo-donate ng tulong para sa mga residente ng Marawi City

Maraming kailangan ang mga residenteng lumikas dahil sa bakbakan sa Marawi at para mas mabilis ang proseso ng pagdo-donate, bumuo na ang Red Cross ng package para sa mga ito.

Ayon kay Red Cross Chairman Senator Richard Gordon, ang non-food package ay nagkakahalaga ng isang libo at walumpung piso (P1,080) habang ang food at hygiene kits ay nagkakahalaga ng tig-isang libo at limampung piso (P1,050).

Nagbibigay na rin sila ng psychosocial intervention sa mga lumikas na residente at kanila na rin inihahanda ang mga ipapadalang karagdagang portalet at shower.

Samantala, dinagdagan pa ng Philippine Red Cross ang kanilang mga tauhan para sa relief operations sa Marawi City.

Ayon sa Red Cross, kabilang ang Lanao del Norte at Iligan City sa mga lugar kung saan dinagdagan nila ang kanilang mga personnel.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *