MRT at LRT, apat na araw walang operasyon

Nag-abiso na ang pamunuan ng MRT at LRT na wala itong operasyon sa susunod na apat na araw.

Ito ay upang bigyang daan ang maintenance ng mga tren at riles nito.

Simula Abril 13 hanggang Abril 16 ay walang biyahe ang mga tren ng MRT-3, LRT-1 at 2 at magbabalik-operasyon ito sa Abril 17, araw ng Lunes.

Wala ring biyahe ang tren ng Philippine National Railways ngayong bakasyon bukod sa Linggo kung saan magkakaroon ng biyahe sa piling istasyon lamang.

Sarado naman ang mga pangunahing mall sa bansa sa  April 13 at 14  bukod  sa SM Baguio.

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang mga mall sa Abril 15, Sabado .

 

Please follow and like us: