Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa , bumaba sa 665

Muling naitala ng Department of health ang pinakamababang bagong kaso ng COVID-19 na nasa 665 na lamang.

Sa ngayon, umabot na sa 2,832,375 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabila naman nito , nasa 16,289 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

May 993 namang naitala na bagong gumaling mula sa virus.

Pumalo naman na sa 2,767,585 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19.

May 141 namang naiulat na nasawi dahil sa virus .

Kaya naman umabot na sa 48,501 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: