Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa bumaba sa 9,055

Bumaba sa 9,055 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Ayon sa Department of Health , sa kabuuan ay umabot na sa 2 million, 613 thousand , 70 ang kaso ng COVID-19 sa bansa .

Sa bilang na ito ,103,077 ang aktibong kaso .

May 12,134 naman na naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2 million 471 thousand 165 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa .

Wala namang naiulat na nasawi , kaya nananatiling nasa 38,828 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: