Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo sa 24,938 ngayong araw

Naitala ng Department of health ang 24,938 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Batay sa datos ng DOH , aabot na sa kabuuang 3, 442,056 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang nasa 262,997 ang aktibong kaso.

May 35,461 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 3,125,540 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 47 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 53,519 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 22, habang may limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: