Naitalang new COVID-19 cases sa bansa umabot sa 21,819 – DOH

Tumaas pa ang naitatalang bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa.

Ayon sa Department of health ngayong araw ay nakapagtala ng 21,819 na bagong kaso kaya umabot na sa 2,910,664 ang kabuuang kaso ng COVID-19 .

Sa bilang na ito 77,369 ang aktibong kaso.

May 973 na naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,781,424 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19.

May 129 naman ang naiulat na nasawi , kaya umabot na sa 51,871 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: