Naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa noong nakaraang linggo umabot sa mahigit 8,000

Nakapagtala ng 8,004 kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula November 14 hanggang 20, ang average daily cases ng COVID- 19 ay umabot sa 1,143 na mas mababa ng 12% kumpara noong November 7 hanggang 13.

May 2 namang bagong nadagdag sa kaso ng severe at kritikal habang may 93 namang nadagdag sa listahan ng nasawi.

Pero ayon sa DOH, sa 93 deaths na ito, 28 lang ang nasawi ngayong November, ang tig-1 ay noong October at March ng 2022 at 1 noong December, 9 noong October, 14 noong September, 7 noong August, tig-2 noong July at June, 5 noong May, tig-4 noong April at March, at 1 noong February ng 2021 at 1 noong September ng 2020.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *