Netanyahu walang balak sakupin ang Gaza

Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ruled out a ceasefire in Gaza, saying the Israeli military was performing 'exceptionally well' © Brendan Smialowski / AFP

Inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na wala itong planong sakupin ang Gaza.

Aniya, “Israel does not plan to reoccupy the Palestinian territory. A ceasefire with Hamas means surrender, and there was no “timetable” for the military offensive. I think the Israeli army is performing exceptionally well. However long it takes, we’ll do it.”

Determinado ang Israel na wasakin ang Hamas pagkatapos ng ginawa nilang pag-atake sa magkabilang hangganan mula Gaza noong Oktubre 7, na ikinasawi ng 1,400 katao na karamihan ay mga sibilyan, at bumihag pa ng humigit-kumulang 240 katao.

Sinabi naman ng Hamas-run health ministry, na ang aerial bombing at ground offensive ng Israel bilang ganti, ay ikinasawi na ng mahigit 10,800 katao sa Gaza, na karamihan ay mga sibilyan at mga bata.

Sinabi ni Netanyahu na walang plano ang Israel na manatili sa Gaza sa matagal na panahon.

Aniya, “We don’t seek to govern Gaza. We don’t seek to occupy it, but we seek to give it and us a better future, and Israel does not seek to displace anyone.”

Dagdag pa nito, “The impoverished and blockaded Gaza must be ‘demilitarised, deradicalised and rebuilt.’ We’ll have to find a government, a civilian government that will be there.”

Subalit hindi na nito idinetalye kung sino ang bubuo ng naturang gobyerno.

Dapat Aniyang manatiling handa ang Israeli forces na muling pasukin ang Gaza at patayin ang mga mamamatay-tao. Ito aniya ang pipigil sa muling paglitaw ng kilusang gaya ng Hamas.

Ang pag-atake noong Oktubre 7 at ang kasunod na labanan ay nangyari nang ang Israel ay malapit nang magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa Saudi Arabia, na nakabatay sa tinatawag na ‘Abraham accords’ na nagpanumbalik sa normal nang ugnayan nito sa iba pang Arab countries.

Iginiit ni Netanyahu, na ang mga kondisyon ay magiging ‘hinog’ na para sa pagpapatuloy ng mga negosasyon matapos wasakin ng Israel ang Hamas.

Sinabi niya, “I think conditions will be ripe. In fact, after a victory, I think they’ll be even riper.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *