Nets, dinaig ng Warriors

Stephen Curry #30 of the Golden State Warriors reacts after making a basket during the second half against the Brooklyn Nets at Barclays Center on November 16, 2021 in the Brooklyn borough of New York City. The Warriors won 117-99.SARAH STIER / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / GETTY IMAGES VIA AFP

Pinangunahan ni Stephen Curry ang Golden State Warriors para tambakan at daigin ang Brooklyn Nets sa score na 117-99, sa laban nila sa Barclays Center sa New York kahapon, Martes (ngayong Miyerkoles sa Maynila).

Matapos matalo sa Charlotte Hornets, agad nakabawi ang Warriors para makabalik sa kanilang winning form.

Nagawa mang makalamang ng Nets sa first half, kung saan nagkaroon pa sila ng isang nine-point advantage sa unang bahagi ng laro, natambakan pa rin sila ng Warriors sa score na 67-42 pagdating sa second at third quarters hanggang sa tuluyan na silang talunin nito.

Si Curry ay nag-ambag ng 37 points, gumawa ng siyam na 3-pointers, pitong rebounds, limang assists, dalawang steals at isang block na lahat ay nangyari sa loob lamang ng 29 minutong aksiyon.

Nagdagdag din ng 19 at 17 points sina Andrew Wiggins at Jordan Poole.

Samantala, ang Nets ay pinangunahan ni James Harden at Kevin Durant. Si Harden ay gumawa ng 24 points, four assists, at four rebounds, habang si Durant ay nag-ambag ng 19 points. (AFP)

Please follow and like us: