Pagpapalawak sa sakop ng AMLA aprubado na ng Senado

Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang palawakin ang coverage ng republic Act 9160 o Money Laundering Act o AMLA.

Dalawamput isang Senador ang bimoto pabor na sa panukalang pag-amiyenda sa AMLA atisasama sa coverage nito ang mga casino batay sa itinatakda ng international standards.

Ayon kay Senador Francis Escudero, Chairman ng Senate Committee on Banks and Financial Institutions, isinama ang casino sa sakop ng AMLA para hindi magamit ang Pilipinas bilang Anti Money Laundering site gaya ng nangyari sa Bangladesh.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang anumang transaksyon sa casino na lalagpas sa limang milyong piso ay maikukunsiderang covered ng AMLA.

Pinagtibay ang panukala bago ang itinakdang June deadline ng Asia Pacific group on money laundering sa Pilipinas para palakasin ang Money Laundering Law.

Ang APG ang international body na nagmomonitor sa ipinatutupad na standards laban sa money laundering at financial terrorism.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *