Runway ng NAIA, pansamantalang isinara dahil sa emergency pothole repair

Pansamatala munang  isinara ang runway sa Ninoy Aquino International Airport para bigyang daan ang  emergency pothole repair.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal magtatagal ang pagsasaayos ng runway ng mahigit apat na oras sa runway 06.

Patuloy naman ang operasyon ng mga international flight pero sa limitadong dami lamang.

Dagdag pa  ni Monreal na pwede parin mag accommodate ng maliliit na aircraft na hangang sa laki ng A320 series ang NAIA domestic runway, RWY 13/31.

Sinabi ni Monreal na maaaring maapektuhan ang landing at takeoff dahil sa asphalt overlay at pagbago ng wind direction na patungo ng runway 24.

Pag-amin ng MIAA na mahigit 100 flights ang apektado dahil sa inaayos na runway.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *