People’s Mining Bill isusulong sa Kongreso

Suportado ng Gabriela Partylist ang kumpirmasyon ni Environment Secretary Gina Lopez sa makapangyarihang Commission on Apointments .

Ito ang inihayag ni Congresswoman Emmi de jesus ng Gabriela Partylist sa harap ng pagsalang sa CA ni Lopez.

Sa panayam ng Liwanagin Natin , sinabi ni de Jesus sang ayon sila sa pinaglalaban ni Lopez kaya naman isusulong nila ang alternative bill kaugnay sa pagmimina .

Aniya ang People’s Mining Bill ay naglalayon na kung magmimina ay nararapat lamang na makinabang ang mga tao at hindi mapunta sa mga dayuhan o sa mga malalaking negosyante ang pakinabang.

“Ito rin yung paninindigan ni secretary gina at nakita niya kung ano ang impact nito sa mga mahihirap na komunidad lalong lalo na dun sa mga indigenious people’s natin kaya ang mas itutulak namin sa kongreso ay peoples mining bill na syempre ang likas na yaman maganda namang gawin nating produktibo yan pero ang buttom line para kanino”. – Rep. de Jesus

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *