Pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH ngayong araw

Nakapagtala ng 22,820 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Ito na ang pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 na iniulat ng DOH sa kanilang daily tally report.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,161,892 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 166,672 ang aktibong kaso.

May 12,337 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 1,960,487 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 61 namang naiulat na nasawi, kaya nasa 34,733 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ang late reporting ng COVID-19 update ng DOH ngayong araw ay dahil sa ngakaroon ng problema sa kanilang COVID-19 information system o COVIDKaya.

Madz Moratillo

Please follow and like us: