Pinalayang Israeli-American hostage, nakaalis na sa Gaza


People watch a screen on the day Israeli-American hostage Edan Alexander, who was kidnapped during the October 7, 2023 attack, is released from captivity by Hamas in Gaza, in Alexander’s hometown of Tenafly, New Jersey, U.S., May 12, 2025. REUTERS/Eduardo Munoz
Nakaalis na sa Gaza ang isang Israeli-American hostage na pinalaya na mula sa labingsiyam na buwang pagkabihag, sa panahon ng saglit na paghinto sa labanan nitong Lunes at nakasama na ang kaniyang pamilya, ngunit hindi nagtagal ay nagpatuloy ang mga pag-atake ng Israel sa enclave.
Ang bente uno anyos na si Edan Alexander ay tinanggap ng Israeli military mula sa International Committee of the Red Cross, na siyang nag-facilitate ng paglipat nito mula sa Palestinian militant group na Hamas.
Dinala siya sa isang Israeli military facility kung saan nakasama niya ang kaniyang pamilya, kabilang ang kaniyang ina na si Yael Alexander.

Edan Alexander, who has been released from captivity by Hamas, after he had been kidnapped during the deadly October 7, 2023 attack on Israel, embraces his brother as he reunites with his family in Reim, southern Israel, before flying to Tel Aviv May 12, 2025. GPO/Handout via REUTERS
Si Alexander ang huling buhay na Amerikanong bihag ng Hamas.
Nahinto ang labanan sa Gaza matapos sabihin ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na ititigil muna nila ang kanilang mga operasyon para sa gagawing pagpapalaya kay Alexander.
Ayon sa mga awtoridad sa Gaza, nang bumalik ang pag-atake ng Israel pagkatapos mapalaya ang hostage, ay tatlo katao ang namatay at ilang iba pa ang nasugatan sa air strike, habang na-displace naman ang ilang pamilya sa Khan Younis na nasa southern Gaza Strip.
Isang babae ang namatay at ilang katao pa ang nasugatan nang tamaan ang isang eskuwelahan na kinaroroonan ng displaced families sa Tuffah neighborhood sa hilaga ng Gaza.
Ayon sa Hamas, ang pagpapalaya kay Alexander ay isang goodwill gesture kay U.S. President Donald Trump, na nakatakdang bumisita sa rehiyon ngayong linggo.
Sinabi naman ni Netanyahu na ang paglaya ni Alexander ay ipinagpasalamat niya sa military pressure ng Israel sa Gaza at sa political pressure ni Trump.

Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu attends the annual ceremony at the eve of Israel’s Remembrance Day for fallen soldiers (Yom HaZikaron) at the Yad LaBanim Memorial in Jerusalem, 29 April 2025. ABIR SULTAN POOL/Pool via REUTERS/File Photo
Aniya, walang mangyayaring tigil-putukan at magpapatuloy ang mga planong paigtingin ang aksyong militar sa Gaza, “Israel has not committed to a ceasefire of any kind.”
Si Alexander na lumaki sa New Jersey, at may dual citizenship, ay lumipat sa Israel at nasa Israeli army nang siya ay mabihag ng Hamas sa ginawa nilang pag-atake sa Israel noong 2023.
Ang pagpapalaya kay Alexander matapos ang four-way talks sa pagitan ng Hamas, Estados Unidos, Egypt at Qatar, ay maaaring magbukas ng daan para mapalaya ang natitirang 58 hostage sa Gaza Strip, 19 na buwan pagkatapos ng pag-atake ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7, 2023.

People hold a picture and a sign with a picture of the Israeli-American hostage, Edan Alexander, who was kidnapped during the deadly October 7 attack, in Tel Aviv, Israel May 12, 2025. REUTERS/Ronen Zvulun
Sinabi ng Qatar at Egypt na ang pagpapalaya kay Alexander ay isang “encouraging step” tungo sa mga bagong pag-uusap sa tigil-putukan. Ang Israel ay magpapadala ng isang delegasyon sa Qatar sa Huwebes upang talakayin ang isang bagong panukala na naglalayong i-secure ang karagdagang pagpapalaya ng hostage, ayon sa tanggapan ni Netanyahu.
Samantala, iniulat ng Integrated Food Security Phase Classification, isang pandaigdigang hunger monitor, na kalahating milyong tao sa Gaza Strip ang nahaharap sa gutom at kritikal na nanganganib na makaranas ng “famine” Setyembre.
Si Trump ay nakatakdang bumisita sa Gulf states, ngunit hindi kabilang ang Israel, subalit ang special envoy na si Steve Witkoff, na tumulong sa pagpapalaya kay Alexander, ay inaasahang darating sa Israel nitong Lunes.
Pinasalamatan naman ng pamilya ni Alexander si Trump at Witkoff, sa pagsasabing umaasa silang ang paglaya ay magpapabilis sa pag-release sa natitiran pang hostages, “We urge the Israeli government and the negotiating teams: please don’t stop.”

Edan Alexander, who has been released from captivity by Hamas, after he had been kidnapped during the deadly October 7, 2023 attack on Israel, reacts as he reunites with his parents in Reim, southern Israel, before flying to Tel Aviv May 12, 2025. GPO/Handout via REUTERS
Umani naman ng kritisismo ang gobyerno ng Israel sa kasunduan na palayain si Alexander, na tila nagbulgar sa ibinibigay na prayoridad sa mga hostage na nakakukuha
Sinabi ni Einav Zangauker, na ang anak na lalaki ay kabilang sa 21 hostages na pinaniniwalaang buhay pa, na mas pinipili ni Netanyahu ang kaniyang political survival kaysa tapusin ang giyera.
Ang isang ceasefire sa huling bahagi ng Enero ay nagpahinto sa labana sa Gaza sa loob ng dalawang buwan, at nabigay-daan sa palitan ng 38 hostages para sa Palestinian prisoners at detainees sa mga kulungan sa Israel.
Nagpatuloy ang military campaign ng Israel noong Marso.