Senado malabo nang magpatawag ng joint session paratalakayin ang Martial Law

Malabo nang magpatawag ng joint session para sa hirit ng oposisyon na talakayin ang detalye kung bakit kinailangang magdeklara ng Martial Law si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Bukod sa ngayong araw ang last session day at mag-aadjourn na ang first regular session n 17th Congress, mayorya sa mga Senador ang pumabor sa Senate Resolution 388.

Ito ang Procalamatipn 261 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.

Nagkaroon ng botohan kagabi at labimpito sa 22 na miyembro ng Senado ang pumabor sa Martial Law habang lima ang tumutol.

Ayon sa Majority bloc wala  silang nakikitang basehan para ipa revoke o ipawalang bisa ito.

Sinabi  ng Senate Leadership  na sa ilalim.ng batas  kinakailangan lang ang joint session kung ipapa revoke o palalawigin ang implementasyon ng martial law.

Samantala, isinalang rin sa botohan ang joint resolution na pirmado ng Minority bloc na humihiling ng joint session pero hindi ito nakakuha ng sapat na suporta.

Bumoto para sa pagdaraos ng joint session sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Bam Aquino, Antonio Trillanes, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, Francis Escudero, Ralph Recto, Sherwin Gatchalian at Grace Poe.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *