Rural Health unit ng Tumauini, Isabela, isinara para sa disinfection

Isinara pansamantala ang Rural Health Unit ng bayan ng Tumauini sa Isabela upang bigyang-daan ang disinfection sa gusali.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente na sa mga Barangay Health center muna makipag-ugnayan o magtungo kung mayroong kailangang ipakonsulta sa kalusugan.

Umaapila naman si Mayor Arnold Bautista sa kaniyang mga kababayan na ugaliin ang pagsunod sa mga health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at shield at pagsunod sa physical distancing.

Sa datos ng Municipal Health office, nasa 76 na ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Tumauini at nasa 240 ang kabuuang kaso.

Ryan Flores, EBC Correspondent

Please follow and like us: