Scholarship program para sa medical students nais nang gawing batas

Isinusulong ni Senador Sonny Angara na gawing batas ang medical scholarship program para matiyak ang availability ng mga doktor sa bawat munisipalidad sa buong bansa.

Sa harap ito ng kakulangan ng mga doktor at healthcare professionals sa mga mahihirap na komunidad.

Katunayan, sinabi ni Angara na batay sa datos ng Department of Health, umaabot sa tatlumput tatlong libong mga pasyente ang inaalagaan ng isang doktor sa mga malalayong probinsiya na malayo sa standards ng World Health Organizations na 20 thousand katao kada isang doktor.

Sa Senate Bill 1157 ni Angara, hindi lang tuition fee kundi allowance sa libro, supplies at equipment, clothing, uniform, housing accommodation at miscellaneous living allowance.

Pero ang mga benepisyaryo ng tuition subsidy, oobligahin na magsilbi sa gobyerno sa bawat taon na nakatanggap ng cash grant.

Maari silang maglingkod sa mga Local Government Health facilities, Doctor to the Barrio at sa mga ospital ng gobyerno na maaring tumagal sa loob ng limang taon pagkatapos makapasa sa medical boardexaminations.

Sa datos ng UP College of medicine, 80 percent ng mga nagtatapos ng medesina nagpa-practice sa ibang bansa.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *