Social case management para sa mga dating rebelde, ipatutupad ng DSWD


Photo: DSWD FB
Ibinahagi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Alan Tanjusay, ang Peace and Development Group (PDG).
Inisyatiba ito ng kagawaran upang magpatupad ng social case management para sa mga dating rebelde.
Layunin nito na matukoy at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Ayon kay Tnjusay, i-rerefer ang mga benepisyaryo sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at bibigyan sila ng suporta para sa kanilang matagumpay na reintegrasyon sa komunidad.
Tututukan at imo-monitor ang prosesong ito sa loob ng 6 na buwan hanggang sa kanilang ganap na reintegrasyon sa komunidad.
Please follow and like us: