Transport group, hindi na maglulunsad ng tigil – pasada – LTFRB

Hindi na magsasagawa ng tatlong araw na tigil-pasada ang ilang transport group sa bansa.

ito ay matapos na pumayag ang grupo na makipag-dialogo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member ng LTFRB, nahikayat niya ang grupo na pag-usapan nila ang anumang hinanakit ng mga jeepney operator.

Magugunitang muling nagbanta ang ilang transport group na magsasagawa sila ng tatlong araw na tigil pasada dahil hindi pa rin nabibigyan ng tugon ang hiling nila na tigilan na ng gobyerno ang planong pagtanggal sa mga lumang jeepney.

Please follow and like us: