1 patay, 9 sugatan sa alitan ng dalawang PDL sa NBP

Isang Person Deprived Of Libery (PDL)ang namaril sa loob ng Quadrant 3  ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) pasado alas nuebe kagabi .

Bago nito, nagkaroon muna ng away ang dalawang pdl na miyemro ng Bahala na Gang at Batang City jail  sa Quadrant 3.

Ayon sa ulat,  nakisimpatiya raw sa away ng dalawa ang isa pang PDL hanggang sa magpaputok na ito ng baril.

Dahil dito, siyam na PDL ang sugatan sa insidente na agad namang dinala sa ospital.

Narekover ang 45 kalibre na baril at ni-relieve na rin ang duty officer habang isinasagawa ang imbestigasyon .

Samantala, isang PDL naman ang namatay matapos masaksak ng icepick.

Ngunit inaalam pa kung may kaugnayan ito sa nangyaring insidente .

Samantala, natagpuan na ang PDL na nawawala noong July 15 na si Michael Angelo Cataroja,25 anyos  at may kasong Anti-fencing Law at Carnapping.

Sa quadrant 3, Dorm 8, natagpuan ng k-9 dog ang katawan ni Cataroja na nakalubog sa septic tank.

Hinala ng Bureau of Corrections (BuCor), mas marami pa ang nakalubog na bangkay sa septic tank dahil noong 2019 base sa report, maraming PDL ang nawala sa loob ng Maximum Security Compound.

Sa ngayon ay naka-red alert status ang NBP at kanselado muna ang lahat ng dalaw .

Virnalyn Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *