1 patay sa aksidente sa Divisoria sa Maynila

Isa ang patay habang marami ang sugatan matapos araruhin ng isang kotse sa Recto Avenue sa Divisoria sa Maynila pasado alas syete ngayong umaga.

Ang biktima ay nagbibisikleta lamang ng mahagip ng kulay pulang Hyundai Accent na may plakang NDL 9295.

May mga sasakyan ring nahagip ang nasabing kotse gaya ng pedicab, jeepney at motorsiklo.

Hawak naman na ng mga awtoridad ang driver ng nasabing sasakyan na kinilalang si Armando Pitas, 55 anyos.

Depensa naman ng driver, nawalan umano sya ng kontrol sa sasakyan.

Sa 25 taong pagmamaneho nya ay ngayon lamang umano sya naka aksidente.

Pero napag-alaman na manual ang sasakyang gamit ng suspek.

Hawak naman na ng Manila Police District ang suspek habang inihahanda na rin ang mga kaso laban sa kanya.

Madz Moratillo

Please follow and like us: