10-day period of mourning, idineklara ni Pangulong Duterte kaugnay ng pagpanaw ni dating Pangulong Aquino

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation No. 1169 ang petsang June 24, 2021 hanggang July 3, 2021 bilang “Period of National Mourning” kaugnay ng pagkamatay ni former President Benigno Simeon C. Aquino III.

Kaugnay nito, ang lahat ng watawat ng Pilipinas ay ilalagay sa half-mast sa buong maghapon sa lahat ng government buildings and installations, sa loob at labas ng bansa sa loob ng sampung araw.

Hinikayat din ng Pangulo ang buong sambayanan na magbigay pugay sa dating Pangulong Aquino sa pagsisikap nitong gawin ang buong makakaya upang pagsilbihan ang bansa at ang mga mamamayan.

Please follow and like us: