11 bayan sa Laguna, COVID-free na

Zero COVID case na ang 11 bayan sa Laguna.

Sa pinakahuling datos ng Laguna Provincial Health Office, wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa mga bayan ng Alaminos, Majayjay, Lumban, Victoria, Liliw, Pangil, Mabitac, Paete, Luisiana, Rizal, at Magdalena.

Samantala, tig-isa na lamang ang aktibong COVID case sa mga bayan ng Bay, Nagcarlan, Siniloan, Pagsanjan, Santa Maria, at Famy.

Sa kabuuan ay 106 na lang ang active cases ng virus sa Laguna.

Umaabot sa mahigit 100,000 katao ang nagpositibo sa sakit sa lalawigan mula noong nakaraang taon.

Sa nasabing bilang, nasa 93,000 ang gumaling habang lagpas 3,000 ang pumanaw dahil sa sakit.

Moira Encina

Please follow and like us: