11K indibidwal naapektuhan ng Bagyong Betty – NDRRMC

Umabot na sa higit 11,000 indibidwal o 2,859 na pamilya ang naaapektuhan ng Bagyong Betty batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nagmula ang mga apektadong residente sa 55 barangay sa Region 2, Region 3, Region 6 at Cordillera Administrative Region (CAR).

877 pamilya o 3,483 indibidwal ang dinala sa 21 evacuation centers, habang ang iba naman ay pansamantalang tumutuloy sa kanilang mga kaanak.

Apektado naman ang operasyon ng 47 pantalan sa ilang rehiyon habang may 222 pasahero at 122 rolling cargoes ang stranded sa Region 8.

Umabot na sa halos P1.9 milyong halaga ng family food packs at non-food items ang naipamahagi sa mga residente na apektado ng Bagyong Betty.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *