129 volcanic earthquakes, naitala sa Mt. Bulusan sa nakalipas na magdamag

Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ng 129 volcanic earthquakes sa bulkan sa nakalipas na magdamag.

Nasa 556 tonelada kada araw naman ang naitala na sulfur dioxide.

Nananatiling ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 na kilometrong radius Permanent Danger Zone at pagpasok ng walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone sa gawing Timog-Silangan.

Bawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Please follow and like us: