13 katao, patay sa pagsabog ng petrol tanker sa Kenya

Labing tatlo katao ang patay sa pagsabog ng petrol tanker sa Kenya.

Ayon sa mga awtoridad , tumaob ang isang petrol tanker matapos itong sumalpok sa sa isang sasakyan sa isang highway sa Northwest, Nairobi.

Nabatid na matapos ang insidente ilang residente ang nagsamantalang kumuha ng natapong langis mula sa tanker.

Ngunit ilang sandali pa ay bigla itong nagliyab at sumabog.

Dahil dito inihayag ng mga pulis na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang paghahanap sa iba pang nawawala na posibleng nasunog din bunsod ng pagsabog.

Agence France – Presse

Please follow and like us: