13 miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuko sa Samar

Sumuko ang labintatlong (13) miyembro ng Communist Terrorist Group sa Samar Provincial Task Force ELCAC at humarap sa mga otoridad sa Abanador Hall, 8th Infantry Division, Philippine Army sa Catbalogan City .

Ilan sa mga sumukong miyembro ng CTG sa Samar.

Ayon sa mga otoridad, Disyembre pa lang ng nakaraang taon ay nakapagpasya na ang mga dating rebelde na abandunahin ang kanilang grupo at tuluyang talikuran ang kanilang pagiging kasapi sa komunistang grupo.

Ang pagsuko ng mga dating rebelde, ayon sa mga otoridad, ay naimpluwensyahan ng mga localized talk na isinagawa sa pagitan nila at ng mga miyembro ng Local Peace Engagement Panel ng PTF-ELCAC. Sa ganitong pagkakataon, naipabatid sa kanila ang mga benepisyo ng kanilang pagsuko at kung paano tinutugunan ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan.

Ang ilan sa mga isinukong kagamitan ng mga rebelde.

Isinuko rin nila ang siyam (9) na high-powered rifle, tatlong pistola, isang anti-personnel mine, tatlong detonator, daan-daang bala, medical paraphernalia, at mga subersibong dokumento.

Rose Metran
Eastern Visayas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.