13 workers sa Masinloc Power Plant, nag-positibo sa Covid 19

Ulat ni eaglenews correspondent Mayvel Tugbo

Labing-tatlong manggagawa sa Masinloc Power Plant sa Zambales ang nagpositibo sa Covid 19 virus.

Batay ito sa report na ipinadala ng Philippine Red Cross sa Pamahalaang Bayan ng Masinloc. Dahil dito, umaabot na ngayon sa 67 ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid 19 sa Masinloc, Zambales.

Sa kabila nito, tiniyak ng Pamahalaan Bayan ng Masinloc na walang dapat ipangamba ang mga residente dahil kontrolado naman ang sitwasyon at ginagawa nila ang lahat upang mapigilan ang patuloy pang pagkalat ng sakit.

Please follow and like us: