13th Month pay ng mga apektadong Empleyado sa Boracay, nais ng Malakanyang na ibigay na

Iminungkahi ng Malakanyang sa mga resort owner na ibigay na ng maaga ang 13th month pay ng mga empleyado sa Boracay.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na natalakay ang maagang pagbibigay ng 13th month pay sa pinakahuling Cabinet meeting.

Ayon kay Roque may mga resort owner ng pumayag sa maagang pagbibigay ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Inihayag ni Roque na tinatayang nasa humigit kumulang 35 libong empliado ang apektado sa pagsasara ng Boracay.

Bukas, Abril 26 mag-uumpisa ang 6 na buwang total closure ng Boracay Island resort para isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *