17.5 milyong halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Caloocan city

Arestado ang tatlo katao sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis at anti-Narcotics agent ng PDEA sa Caloocan City kagabi.

Nakilala ang mga suspect na sina Josephine Rafa, 59-anyos; Mae Jane Rada, 23-anyos; at Bon Joni Visda, 25-anyos.

Bago isinagawa ang anti-drug operation ay isinailalim sa isang linggong surveillance ang iligal na operasyon ng mga ito.

Matapos mapatunayan ang iligal na gawain ng mga ito, ay kaagad na na isinagawa ang operasyon sa Barangay 188, Tala, Caloocan City matapos mahuling nagbebenta ng shabu ang mga suspect sa isang undercover police.

Nakuha sa mga ito ang iba’t-ibang sachet at pakete ng shabu na tumitimbang ng nasa 2,575 gramo at iba pang drug paraphernalia.

Please follow and like us: