172 sa 173 certificate of canvass nabilang na ng Comelec

Natapos na ng Comelec na nagsisilbi bilang National Board of Canvassers ang pagbilang sa 172 sa 173 Certificate of Canvass kaugnay ng katatapos na halalan.

Ilan sa huling binilang kahapon ng NBOC ang COC mula sa Mexico, Czech Republic, Nigeria, Iran, Kenya at Hong Kong.

Ang natitirang COC na hindi pa nabibilang ay mula sa Lanao del Sur.

Matatandaang una ng nagdeklara ng failure of elections ang Comelec sa 14 na barangay sa mga bayan ng Tubaran, Binidayan at Butig sa Lanao del Sur.

Para sa bayan ng Tubaran, itinakda ang special elections sa Mayo 24.

Samantala, sinimulan na ng Comelec ang paghahanda para gagawing proklamasyon ng nanalong senador bukas. See less.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: