18 kaso ng Delta variant ng COVID-19, naitala sa Laguna

Kinumpirma ni Laguna Gov. Ramil Hernandez na 18 na ang kumpirmadong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa lalawigan.

Sinabi ni Hernandez na umaabot sa dalawa hanggang tatlong linggo bago lumabas ang resulta ng variant ng COVID-19.

Dahil dito, maaari aniyang gumaling na ang pasyente bago pa malaman ang resulta.

Kaugnay nito, ibinabala ng gobernador na posible ring nakahawa na ang mga nasabing Delta cases lalo na sa kanilang close contacts bago sila naisailalim sa test at na-clear mula sa virus.

Hinikayat din ni Hernandez ang mga Lagunense kahit ang mga fully-vaccinated na patuloy na mag-ingat at sundin ang mga health protocols laban sa COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: