2.6 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat mula sa isang 19-anyos sa Bacolod City

Kabuuang 2.6 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang 19-anyos na lalaki sa Bacolod City.

Nakilala ang suspect na si Dan Aldrick Ballesteros na nadakip sa buy-bust operation sa Purok Sigay, Barangay 2 ng lunsod, gabi ng Abril 17.

Nakuha rin sa kaniya ang 22 sachet ng shabu, 3 piraso ng plastic na naglalaman din ng shabu at may timbang na 396 gramo; dalawang 500 peso bill at isang weighing scale.

Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RQ 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Please follow and like us: