2 Barangay sa Sorsogon apektado ng pagsabog ng bulkan,Clearing operations nagpapatuloy

Nagpapatuloy ngayon ang Clearing at Cleaning operations sa mga bayan sa Sorsogon na apektado ng pagsabog ng Bulkang Bulusan.

Sinabi ni Senator elect at Sorsogon Governor Francis Escudero na dalawang baranggay ang matinding apektado  sa bayan ng Juban at ito ang Puting Sapa at Buraburan.

Walang naitalang sugatan at casualty habang umaabot sa 53 pamilya 173 na mga indibidwal ang inilikas sa Tughan Elementary School sa bayan ng  Juban.

Namahagi na si Escudero kasama ng Provincial Social Welfare and Development ng mga food packs, folding bed  hygiene kits  at iba pang pangangailangan ng mga evacuuees.

Ngayong umaga sinabi ng gobernador na hindi dapat mabahala ang publiko.

Batay raw kasi sa obserbasyon kahapon matapos ang labimpitong pagsabog,  umulan kaya  bumaba agad ang abo at  halos wala nang abo sa hangin.

Wala rin aniyang lava at batong malalaki na inilabas ang bulkan.

Hindi inirerekomenda ni Escudero ang pamamahagi ng relief goods dahil wala naman raw lutuan sa mga evacuation centers kaya sa mga nais mag donate sana raw ready to eat food na lang ang ipamahagi.

Meanne Corvera

Please follow and like us: