2 BuCor personnel tiklo sa tangkang pagpupuslit ng kontrabando sa Bilibid

Iniimbestigahan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang dalawang tauhan nito na nahuli sa pagtatangkang pagpuslit ng iligal na kontrabando sa New Bilibid Prisons (NBP).

Hindi tinukoy ng BuCor ang pagkakakilanlan ng dalawang tauhan nito na sinasabing nagtangka na magpasok ng tobacco products sa kulungan.

Ayon sa BuCor, ang isa sa nasabat ay babaeng nurse na naka-assign sa Infirmary Section ng Medium Security Camp na nahulihan ng anim na pakete ng sigarilyo na inilagay sa cosmetic pouch nito.

Ang isa namang lalaking personnel ay itinago ang sigarilyo sa underwear nito.

Sasampahan ng reklamong administratibo ang dalawang tauhan ng kawanihan.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *