2 lalaki arestado sa Surigao City dahil sa iligal na droga

Naaresto ang dalawang lalakisa Surigao City dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs act of 2002.

Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Caraga at Surigao city police station, nahuli sina Jessie Ace Navarro, tatlumput walong taong gulang at Joel Paclar Apole, apatnaput pitong taong gulang mga residente ng Surigao city.

Ipinaalam sa mga naaresto ang kanilang karapat na napaloob sa Miranda warning at anti torture act.

Ang operasyon ay may pre- ops regional office number 13 30003-012018-0062.

Nakuha sa kanilang posisyon ang shabu na humigit kumulang thirty thousand pesos, cellphone at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ang mga suspetsado ay sasampahan ng paglabag sa republic act 9165 o comprehensive drugs act of 2002.

Pansamantalang nakadetine ang mga suspetsado sa Surigao city police station .

Ulat ni Jabes Juanite

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *