2 taong ayuda, pangako ni Presidential candidate Mayor Isko Moreno sakaling manalo sa halalan

Dalawang taong ayuda sa bawat pamilyang Filipino ang pangako ni Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno sakaling palaring manalo sa darating na halalan.

Ayon kay Moreno, gagawin niyang nationwide ang kasalukuyang Food Security Program na kanilang pinaiiral sa Maynila.

Sa ilalim ng nasabing programa habang may Pandemya dulot ng Covid-19, namamahagi ng food boxes ang lokal na pamahalaan sa bawat pamilya, mahirap man o mayaman.

Ayon kay Moreno, dodoblehin din niya ang kasalukuyang 300 bilyong pisong pondo na nakaalaan sa pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng mga ipinatupad na lockdown dahil sa Pandemya.

Hahabulin din umano niya ang P203 billion Marcos estate tax liabilities para maidagdag sa pang ayuda sa mga Filipino.

Sa tanong naman kung paano niya popondohan ang nationwide food security program, palalakasin umano ni Moreno ang private sector participation sa major infrastructure projects ng gobyerno at itutuloy ang Build, Build, Build ng Duterte administration.

Ang lalamanin ng food boxes, mula aniya sa mga local supplier.

Madz Moratillo

Please follow and like us: