2018 Miss Universe Catriona Gray, tutungong Indonesia naman sa March 8

Mistulang patapos na ang matagumpay na homecoming ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Sunod kasing bibiyahe si Catriona patungong Indonesia kasama ang Miss Universe organization para sa Grand Coronation night ng 2019 Puteri, Indonesia.

Maihahambing sa Binibining Pilipinas ang nasabing National pageant ng Indonesia na gaganapin sa March 8.

Dito ay inaasahan ang pagkikita-kita ng mga present at former queens ng iba’t ibang beauty pageant.

Kabilang din sa inaasahang darating sa Indonesia  sina reigning Miss International Mariem Velazco ng Venezuela, reigning Miss Supranational Valeria Vazquez ng Puerto Rico, 2017 Miss Supranational Jenny Kim ng Korea, at 2017 Miss International Kevin Lilliana ng Indonesia.

Kasama rin sana sa lineup ang 3rd Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach ngunit ayon sa Indonesian Pageant organization, hindi na ito matutuloy dahil sa hectic na schedule ng half–German beauty na tubong Cagayan de Oro.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *