2021-2022 Bar passer ,binati ng Malakanyang

Nagpaabot ng pagbati ang Malakanyang sa mga bagong abogado na pumasa sa 2020-2021 bar exam.

Sa regular press briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na record breaking ang resulta ng bar exam dahil nasa 72.28 percent ang pumasa o 8,241 mula sa 11,402 na kumuha ng pagsusulit.

Inihayag ni Andanar natutuwa ang Malakanyang at marami ang bagong abogado sa bansa.

Batay sa record ng Korte Suprema dalawang taon na naipagpaliban ang bar examination dahil sa pandemya ng COVID 19.

Vic Somintac

Please follow and like us: