21 pang lugar sa QC, nasa ilalim ng Special Concern Lockdown

Nasa ilalim pa rin ng Special Concern Lockdown Areas ang 21 na lugar sa Quezon City.

Ito ay dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Pero ayon sa QC Governmet, partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong Barangay.

Ang mga apektadong pamilya ay pagkakalooban ng food packs at essential kits at isasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine o higit pa kung kinakailangan.

Please follow and like us: