22 natukoy na may UK variant case, nakarekober na – DOH

Kinumpirma ni Health Usec Ma Rosario Vergeire na nakarekober na ang 22 indibidwal na una ng natukoy na positibo sa uk variant ng COVID-19.

Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay 2 na lamang sa mga may uk variant sa bansa ang aktibong kaso pa.

Habang ang isa naman dito ay nasawi na.

Ang pasyenteng nasawi ay isang 84 anyos na lalaki na taga La Trinidad, Benguet na walang travel history o contact sa kahit sinong may uk variant.

Ayon sa DOH, ang nasabing pasyente ay nasawi noong Enero 24, 2021.

Sa ngayon ay pinag- aaralan pa aniya ng DOH kung saan nakuha ng pasyente ang infection lalo na at bihira lamang umano itong lumabas ng bahay.

Madz Moratillo

Please follow and like us: