22 sa 30 bayan at lungsod sa Laguna, zero COVID case na

COVID- free na ang 22 sa 30 bayan at lungsod sa Laguna.

Sa pinakahuling datos mula sa Laguna Provincial Health Office, wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa San Pablo City, Biñan City, Santa Cruz, Bay, Alaminos, Pila, Pagsanjan, Majayjay, Lumban, Victoria, Liliw, Pakil,Pangil,Kalayaan, Cavinti, Santa Maria, Mabitac, Paete, Luisiana,Rizal, Magdalena, at Famy.

Samantala, umaabot na lamang sa 22 ang active cases ng sakit sa lalawigan.

Kabuuang 100,274 ang naitalang nagpositibo sa virus mula noong nakaraang taon sa probinsya.

Gumaling naman mula sa COVID ang mahigit 97,000 habang pumanaw ang lagpas 3,000 pasyente sa Laguna.

Moira Encina

Please follow and like us: