24 biktima ng human trafficking nasagip sa Basilan

Aabot sa 24 na biktima ng human trafficking ang nasagip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Department of Social Welfare and Development sa Isabela City Port sa Basilan.

Ayon sa PCG, patawid sana Malaysia ang mga ito sakay ng MV Ciara Joie 8.

Ang mga biktima ay nasa edad 11 hanggang 60 taong gulang na pawang mga residente ng Zamboanga City, Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, Misamis Occidental, at Basilan.

Nakikipag-ugnayan naman na ang DSWD para mahanap ang kamag anak ng mga biktima.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: