28 bagong Hukom sa iba’t-ibang korte sa bansa, nanumpa

Kabuuang 28 bagong hukom mula sa iba’t ibang korte sa bansa ang nanumpa sa puwesto.

Pinangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang oathtaking ng mga bagong Huwes sa Session Hall ng Korte Suprema.

Ang mga bagong hirang na trial court judges ay mula sa mga korte sa Antipolo City, Rizal; Imus City, Cavite; Bacoor, Cavite; Tagaytay City, Cavite; Calamba City, Laguna; Biñan City, Laguna; San Pedro City, Laguna; Sta. Cruz, Laguna; Batangas City, Batangas; Taal, Batangas; Binangonan, Rizal; Morong, Rizal; Calauag, Quezon; Infanta, Quezon at Puerto Princesa City, Palawan.

Kabilang sa mga bagong Judge ay dalawang dating SC lawyers na sina Judge Ralph Jerome Salvador at Judge Charisma Nolasco.

Ayon sa Korte Suprema, bukod sa 28 nanumpa ay may 13 bagong Huwes din ang naitalaga sa iba’t ibang lalawigan.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *